Bagong Taon
I
Bagong sigla,
Kung sa daho'y lantang dahon at tuyo na.
Bagong Taon,
Sa pagdatal mong ang mukha ay masaya,
Sumariwa itong pita
Pagkaraka!...
II
Bagong diwa,
Bagong diwa ng makatang
Kung sa bati ay batisang walang tula.
Bagong Taon,
Pag ngiti mo, ang batisa'y nagkamutya't
Bakit kaya?...
III
Bagong balak,
Bagong balak ng pangarap
Ay musmos pa't walang kayang makalakad,
Bagong Taon,
Nan gang bata'y mahagkan mo ay lumakas,
At sa gayon, ang hinanap,
Kanyang palad!...
IV
Bagong aliw,
Bagong aliw ng mithing
Kung sa puso'y pusong kuyom ng hilahil.
Bagong Taon,
Nang lumapit ka sa kanyang may paggiliw,
Nahango mo sa titsing
Maglilibing!...
V
Bagong taon,
Bagong taong muli ngayon
At ang bawa't tao'y tila mayrong layon,
Bagong Taon,
Ikaw baga'y magbabalik kay Kahapong
Natigmak na sa linggatong?...
Huwag gayon!